Taal Volcano .. :)

Taal Volcano .. :)
Beautiful Taal

WELCOME!

Friday, March 2, 2012

Godofredo's "Ang Demokrasya"

Ang demokrasya ay anyo ng pamamahala o gobyerno na kung saan ang disisyon ng pamahalaan ay nakatuon ng tuwiran o di-tuwiran sa malayang pamamaraan na may pagpapasya ng nakararami. Ang prosesong ito ng pulitika ay nakasalalay ang bigat sa karanasang pulitikal, kwalipikayon at kalayaan ng namamahala.

Sa Pilipinas, taong 1986 ng mag-ugat ang Demokrasya at tumayo ang ating bamsa sa pagkakasiil ng pamahalaang militar sa rihimen ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, Ang unang diktador sa Pilipinas. Malalim ang pinagmulan ng demokratikong anyo ng pamahalaan sa ating bansa. Ang asasinasyon kay Ninoy Aquino sa Manila Int'l Airport, ang pagpatay sa mga mamahayag at pagkadeklara ng batas militar ay ilan sa mga dahilan kung bakit nagsimulang humingi ng kalayaan ang mga Pilipino.

Taong 1986 sa pangunguna ni dating Pang. Corazon Aquino sinimulang lumaban ang mga Pilipino sa pamamagitan ng snap election. Nanalo ang kanyang partido, kasabay ng pagbaligtad nina Juan Ponce Enrile at Fidel V. Ramos na pawang matataas na pinuno ng militar noong panahong iyon. Nanalo si Gng. Aquino sa snap election at nanaig ang barikada ng mga Pilipinong patuloy na lumalaban sa mapaniil na pamahalaan. Sa kasalukuyan, ang konstitusyon na binuo ng 1987 ang buhay na patunay na tayo ay lumaya at nagkaroon ng demokrasya na magpasahanggang ngayon ay ating tinatamasa.

No comments:

Post a Comment